Harmony Clean Flat Responsive WordPress Blog Theme

PAG-IBIG: Sa Pananaw ng Isang Single

Tuesday, August 13, 2013 Unknown 5 Comments Category : ,

Bilang ipinagdidirawang natin ngayon ang Buwan ng Wika, hayaan 'nyo akong ibahagi ang kauna-unahan kong post sa isang community blog. Ito ay nasa wikang Filipino at medyo pagpasensyahan 'nyo dahil hindi ko masyadong kabisado ang gramatika sa nasabing wika. Wala itong edit, maliban lang sa mga smileys, at maari ninyong bisitahin ang orihinal na gawa sa link na ito: http://definitelyfilipino.com/home/2012/04/pag-ibig-sa-pananaw-ng-isang-single/ .
Ang kwentong ito ay bunga ng kathang-isip lamang. HAHA.


(photo from http://www.newhdwallpapers.in/)
Habang palakad ako papuntang eskwela, pabaling-baling ang tingin ko sa mga tao sa paligid. Napansin ko ang dumadaming bilang ng mga magsyota. Halos lahat ay kay babata pa, yung teenagers, ika nga. Ganito siguro pag single ka, mas napapansin mo ang mga taong nagyayakapan sa paligid, mga naghoholding hands while walking, mga taong nagtetext na bigla na lang ngingiti na para bang kinikilig. Ganyan siguro ang pagmamahal. Ganyan kalakas ang kapangyarihan ng pagmamahal. Minsan nakakalimutan mo kung anong lugar ang kinatatayuan mo, nakakalimutan mo ang mga tao sa paligid mo. Minsan tuloy napapaisip na lang ako, "Ang weird naman ng mga taong ito!". Hindi sa nagiging bitter ako pero napapatanong lang talaga ako, "Tunay pa ba ang pag-ibig?". At kung bakit ako ganito ay ito po ang kwento ko.

Naranasan ko na rin ang umibig subalit bata pa ako noon; "puppy love" ika nga nila. Sobrang masaya ang feeling. Halos kada minuto at segundo ay kinikilig ako. Mahal na mahal ko talaga ang naging boyfriend ko. Wala kaming ibang iniisip noon kundi ang kaligayahan namin. Maraming pangako. At ang hindi ko malimutan ay ang pangakong hinding-hindi kami maghihiwalay. Subalit sadyang malupit ang tadhana. Sobrang maraming problema. Hindi nagtagal ay nagkahiwalay rin kami. Kung gaano ko siya kamahal ay ganoon din ang sakit na aking naranasan. Sobrang pagmamahal pero sobra din ang sakit. Halos mamatay ako. Syempre, dahil first time nga, ayaw ko sanang maghiwalay kami. First love. First heartbreak. Hay! Masakit. Pero may tinatawag din naman tayong Moving On. Nagpakabusy na lang ako sa studies. O di ba? Mas bongga! Smiley At salamat naman sa Diyos at nalimutan ko rin naman 'yon. Subalit nag-iba na ako ngayon, parang mahirap nang magtiwala, mahirap nang magmahal, mahirap nang ibigay ang aking puso. Ang rami yatang side effects. Pero normal lang naman yan eh. Pag nasugatan ka nga dahil sa pagkadapa nung suot mo ang high heels mo ay parang may takot ka na rin magsuot muli nito. Matagal-tagal pa siguro bago mo magamit uli ang mga heels mong ito. Gaya rin yan sa pag-ibig.

Balik tayo sa aking paglalakad. Hindi ko naman isinulat ang blog na ito para ipangalandakan ang nasawi kong pag-ibig. Sa tanong ko kanina, "Tunay pa ba ang pag-ibig?". Syempre sa mga in-love dyan, ang sagot niyo ay malaking OO. Pero sa mga single na tulad ko at nasaktan na ng todo-todo, medyo mahirap nang sagutin ito, mas madali pa siguro ang math equation kaysa rito. Gayunpaman, naniniwala ako na tunay pa rin naman ang pag-ibig, subalit matatagpuan mo lang ito kung ikaw mismo ay napahilom mo na ang mga sugat sa iyong puso, kung ikaw mismo ay nag-mature na bilang isang tao, kung ikaw mismo ay natutunan mo nang mahalin ulit ang sarili mo. Walang pagkakamali sa mundo, puro aral lang. Hindi kailangan magmadali, hindi naman ito karera. Hindi rin kailangan maghanap, hindi ito tagu-taguan. At lalo sa lahat, hindi kailangan malungkot dahil hindi ito isang soap opera. Kailangan mo lang hintayin ang tamang taong nakalaan sa iyo, sa tamang oras at sa tamang lugar. Kapag nakilala mo na sya, sigurado akong ang masasabi mo ay "He/She is worth the wait!"


Makapangyarihan ang pag-ibig, lalo na sa mga taong marunong magpahalaga nito.


Spread the love. 



Till next post, lovies. Ciao!

RELATED POSTS

5 comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Over!!! Pag-ibig.. bow!! :P :) NIce one Charmie Gi....

    ReplyDelete
  3. Ang saya basahin :D ang ganda pa nung music :) ang cuuute pa. kyaaaah :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salve, thank you. thank you. ^^ masaya ako at nasiyahan ka.
      thanks for dropping by :)

      Delete